Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2013

Taon ng Pananampalataya

“ Dahil tayo ay tinawag ng Diyos, at patuloy pa ring tinatawag, upang manatili ang buo nating pagkatao sa Kanya sa pakikibahagi nang pangmagpakailanman ang isang buhay na banal at malaya mula sa lahat ng kabulukan. Napagtagumpayan ito ni Kristo nang muli siyang mabuhay, dahil sa pamamagitan ng kanyang kamatayan tayo ay pinalaya mula sa kamatayan ” (Gaudium et Spes, 18). Mga mayamang pananalita na akma sa pasimula ng Pandaigdigang Taon ng Pananampalataya – isang katotohanan at paanyaya na tayo ay tinawag at patuloy na tinatawag upang maging malayang mga ampong anak ng Diyos. Kapag ang buhay natin ay umiinog lang sa araw-araw na mga pinagkakaabalahan at hindi lumalagpas sa makamundong gawain, ang buhay ay hungkag at walang malalim na kahulugan. Datapuwa’t salamat sa pagmamalasakit ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo at sa kababaang-loob ng Mahal na Birhen, muli nasumpungan ng tao na ang malalim na kahulugan ng kanyang pagkatao ay ang kanyang pagiging pinili at tinawag ng Diy...
“ Ano ba ang ibig sabihin ng ‘Pananatili sa Pag-ibig ni Hesus?’ … na kinakailangang gawin natin sentro ng buhay ang kanyang pag-ibig; ang sentrong ito ay ang Eukaristiya; sapagka’t si Hesus ay nasa Eukaristiya .” ( San Pedro Julian Eymard, Marso 4, 1865 ) EUKARISTIYA SENTRO NG BUHAY Tunay nga pong ang Eukaristiya ang siyang bukal, sentro at tugatog ng ating Buhay-Kristiyano.   Datapwat papaano tayong makararating sa antas ng pamumuhay na ito at makapananatili dito ? Ang Salita ng Diyos sampu ng mga nabighani sa mga Salitang ito ay nagpahiwatig ng iisang kasagutan … Gawing Sentro ng Buhay ang Pag-ibig ni Hesus . Ayon sa pagninilay ni San Pedro Julian Eymard ang sentrong ito ay ang Eukaristiya; sapagka’t si Hesus ang Eukaristiya. Isinasaad ng ating pananampalataya na ang pag-ibig na ito ay siyang layunin ng Diyos (cf. John 3:16). Winika rin ni Apostol San Pablo … “Matiyaga ang pag-ibig at may kagandahang-loob. Hindi ito nagseselos, nagmamapuri, o nagmamataas. Hindi gu...
ANG KRUS NI KRISTO Sa kagalakang pumuspos sa atin nitong mga nakaraang araw dahil sa pagkakahirang sa bagong Santo Padre Francis , tayo ay naglalakbay na muli ng may kasiguruhang ang Diyos ay kapiling natin. Tayo ay inaanyayahan na muli ni Pope Francis na maglakbay kasama ang KRUS ni KRISTO, sinabi niya sa kanyang unang homily sa piling ng mga Cardinal, Obispo at mga Pari ang ganito, “Kapag tayo ay lumakad ng walang KRUS, kapag tayo ay bumuo ng walang KRUS, at kapag ipinahayag natin si KRISTO ng walang KRUS, tayo ay hindi mga disipulo ng Panginoon. Tayo ay makamundo, tayo ay mga Obispo, pari, cardinal, papa, subalit hindi mga disipulo ng Panginoon. Ang nais ko, na tayong lahat, matapos ang mga araw na ito ng makalangit na biyaya, ay magkaroon ng tapang – ang tapang – na maglakbay kaalinsabay ng presensiya ng Diyos, ng may KRUS ng Panginoon: upang buuin ang Simbahan sa pamamagitan ng Dugo ng Panginoon, na dumanak sa KRUS, at ipahayag ang nag-iisang kadakilaan, si KRISTONG IPINAK...

50 Taong Halimuyak ng Kabanalan

SAN PEDRO-JULIAN EYMARD: BIYAYA NG EUKARISTIYA SA NANINIMDIM NA PANGINORIN NITONG MUNDONG DI MAHIMBING KABI-KABILA'Y SULIRANIN NIYARING PUSO AT DAMDAMIN; BAKIT KAMO'Y NAGTAKSIL, IMBING PUSO NATIN SALAWAHAN SA PAG-GILIW NG POONG MAIBIGIN. KUNG KAYA'T LANGIT NA RIN ANG HUMABI NG LAYUNIN, LIKHAIN ANG DAMDAMIN NG BATANG MASUNURIN. ITONG BATANG MASUNURIN SA TIKAS AY MAHABAGIN SA POONG MAIBIGIN IKINABIT ANG HANGARIN. SIYA'Y PUMANHIK AT NAKINIG SA LAMBING NG TINIG , NIYARING POONG GINIGILIW NA SA KANYA'Y NAGPAHIWATIG: “ IWAKSI ANG IMBING, TAKSIL NA PUSONG NANINIIL SA LAYUNIN NITONG MAHAL NA POONG WALANG MALIW .” AT SA BATA'Y IBINUNYAG PAG-UNAWA'Y KINALAG PUSO'Y NAGSIKLAB SA DIYOS NA TUMATAWAG. PAKIKINIG AY LUMAWIG MGA KUBLING PAHIWATIG UNTI-UNTING INIIBIG NYARING BATANG NA TINDIG. TUMINDIG, LUMUHOD, NAG-USAL NG DASAL NAGING ULIRAN SA LARANGAN NG PAG-IBIG SA POONG MAH...

San Juan Maria Vianney

ANG TALAMBUHAY NI SAN JUAN MARIA VIANNEY St. Jean Marie Vianney, Ang Kura ng Ars Kapistahan: August 4, Pintakasi: mga Confessors at lahat ng mga Pari     ANG TAWAG NG DIYOS   Ang buhay ng Kura ng Ars (CurĂ© of Ars-sur-Formans, France) ay isang kuwento na nagpapakita na "SA DIYOS AT ANG DIYOS AY WALANG DI MAPANGYAYARI." Si Juan Maria Vianney ay isang tanyag na kumpesor, at lubhang iniibig at ginagalang ng kanyang mga parokyano. Iba't-ibang mga tao ang naglakbay ng milya-milya at tumayo ng mahabang oras kahit sa gitna ng ulan, makausap lamang siya kahit sa ilang minuto, o kaya'y mapakinggan siyang nangangaral.   Ama at Ina:            Matthieu Vianney at Marie Beluze Isinilang at Bininyagan:    May 8, 1786 (Dardilly, Lyons, France) Unang Komunyon:        June, 1799 (Abbe Groboz, asst. priest sa St. Croix, Lyons) Tonsure:            May 8, 1811   Subalit siya ay muntik-muntikan ng hindi maging pari. Una, ang kanyang ama ay nagtatalo-sira sa kanyang pag-alis sa kanilang bu...