ANG KRUS NI KRISTO
Sa kagalakang pumuspos sa atin nitong mga nakaraang araw dahil sa pagkakahirang sa bagong Santo Padre Francis, tayo ay naglalakbay na muli ng may kasiguruhang ang Diyos ay kapiling natin.
Tayo ay inaanyayahan na muli ni Pope Francis na maglakbay kasama ang KRUS ni KRISTO, sinabi niya sa kanyang unang homily sa piling ng mga Cardinal, Obispo at mga Pari ang ganito, “Kapag tayo ay lumakad ng walang KRUS, kapag tayo ay bumuo ng walang KRUS, at kapag ipinahayag natin si KRISTO ng walang KRUS, tayo ay hindi mga disipulo ng Panginoon. Tayo ay makamundo, tayo ay mga Obispo, pari, cardinal, papa, subalit hindi mga disipulo ng Panginoon. Ang nais ko, na tayong lahat, matapos ang mga araw na ito ng makalangit na biyaya, ay magkaroon ng tapang – ang tapang – na maglakbay kaalinsabay ng presensiya ng Diyos, ng may KRUS ng Panginoon: upang buuin ang Simbahan sa pamamagitan ng Dugo ng Panginoon, na dumanak sa KRUS, at ipahayag ang nag-iisang kadakilaan, si KRISTONG IPINAKO SA KRUS. Sa ganitong kaparaanan, ang Simbahan ay maglalakbay ng pasulong.”
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento