Taon ng Pananampalataya

Dahil tayo ay tinawag ng Diyos, at patuloy pa ring tinatawag,
upang manatili ang buo nating pagkatao sa Kanya sa pakikibahagi
nang pangmagpakailanman ang isang buhay na banal at malaya mula sa lahat ng kabulukan.
Napagtagumpayan ito ni Kristo nang muli siyang mabuhay,
dahil sa pamamagitan ng kanyang kamatayan tayo ay pinalaya mula sa kamatayan
(Gaudium et Spes, 18).

Mga mayamang pananalita na akma sa pasimula ng Pandaigdigang Taon ng Pananampalataya – isang katotohanan at paanyaya na tayo ay tinawag at patuloy na tinatawag upang maging malayang mga ampong anak ng Diyos. Kapag ang buhay natin ay umiinog lang sa araw-araw na mga pinagkakaabalahan at hindi lumalagpas sa makamundong gawain, ang buhay ay hungkag at walang malalim na kahulugan. Datapuwa’t salamat sa pagmamalasakit ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo at sa kababaang-loob ng Mahal na Birhen, muli nasumpungan ng tao na ang malalim na kahulugan ng kanyang pagkatao ay ang kanyang pagiging pinili at tinawag ng Diyos sa Kanyang pag-ibig. Mulat sa ganitong katotohanan, ang paglalakbay ng tao patungo sa pagtugon sa tawag ng Diyos ay larawan ng pananampalataya. Odlanyer

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SAINT JOHN MARIE VIANNEY

Abandon Not Your Ideals

Called, Gifted and Sent