IPAGKAMAPURI
NATIN ANG MGA INA
Pagpupugay sa
mga INA
Reynaldo Rayo-Capili May 9, 2014 at 5:54 PM
Noong ako’y bata
pa si Mommy na ang kasakasama;
Naglilinis ng
bahay,naglalaba sa ilog, o umaani sa bukid,
Walang
patumanggang pagsasaalang-alang ng kanyang tungkulin,
Butihing ina,
ulirang maybahay na asawa ni Papa.
Ikaw naman
katoto,anong alaala ang mayroon ka;
Sa iyong
sariling ina na sa wari ko ay mayroon ding kwenta.
Sikaping
ipahayag ng iyong isipa’t damdamin ang mga hiwaga,
Na bumabalot sa
iyong kahanga-hanga’t dakilang Ina.
Gunita nati’y
taun-taon inaalala, tungkol kay Inay na dakila talaga;
Nilikha ng
Maykapal mula sa tadyang ni apong Adam,
Upang makatuwang
sa pag-alaga at pag-aalala
Nyaring dakilang
sangnilikha, ng napakagandang si Eva.
Sa umpisa’y
palamuti lamang sa kubol ng asawa
Nang malauna’y
kinilala na sa mundo ng pagandahan;
Naging
tanyag,nagliwanang, nagkaporma’t nagpahayag
Saloobi’t isipan
sa ikaaayos at ikagaganda ng kapaligiran.
Mula nooy
kinilala na na may mainam na halaga
Sa lipunan, sa
syensiya, sa komersyo’t iba’t-iba pa.
Babae, ina,
binibini,madrasta, tita o lola, pwede ring yaya
Mga katawagang
pinaninindigan ng lahi ni Eva.
Sa kanyang pakikisangko’t
pagkasangkot sa mundo ni Adam
Mabubuti at
masalimuot karanasang idinulot
Lumatay sa
katauhanang mga pighati’t lihim na ikinubli
Tiniis,
tinago,inisip ang mabuti alang-alang sa nakararami.
Gayunpama’y
tumindig at patuloy sa pag-ibig
Sa kapatid, sa
asawa,sa pamilya’t iniibig
Babae ngang
naturingan mayumi at may kahinaan
Subalit sa tatag
sa unos at sigwa, tunay nga pong INA.
Kaya’t mga adan
panawagan ko’y, halina’t kumilala
Sa katuwang na
mismong Diyos, ang nagpahalaga
Bigyang
pugay,mahalin, alalahanin at karinyuhin,
Si Inang na
nagluwal sa iyo at sa akin.
May 9, 2014 (sa Dakilang Araw ng mga INA)

Ang gandang basahin... nagpapahayag ng pagkilala at malaking pagibig sa magulang lalo na sa ating mga nanay . Thanks for sharing.
TumugonBurahinthanks tamgarra
TumugonBurahin