IPAGKAMAPURI NATIN ANG MGA INA

Pagpupugay sa mga INA

Reynaldo Rayo-Capili May 9, 2014 at 5:54 PM

 

Noong ako’y bata pa si Mommy na ang kasakasama;

Naglilinis ng bahay,naglalaba sa ilog, o umaani sa bukid,

Walang patumanggang pagsasaalang-alang ng kanyang tungkulin,

Butihing ina, ulirang maybahay na asawa ni Papa.

 

Ikaw naman katoto,anong alaala ang mayroon ka;

Sa iyong sariling ina na sa wari ko ay mayroon ding kwenta.

Sikaping ipahayag ng iyong isipa’t damdamin ang mga hiwaga,

Na bumabalot sa iyong kahanga-hanga’t dakilang Ina.

 

Gunita nati’y taun-taon inaalala, tungkol kay Inay na dakila talaga;

Nilikha ng Maykapal mula sa tadyang ni apong Adam,

Upang makatuwang sa pag-alaga at pag-aalala

Nyaring dakilang sangnilikha, ng napakagandang si Eva.

 

Sa umpisa’y palamuti lamang sa kubol ng asawa

Nang malauna’y kinilala na sa mundo ng pagandahan;

Naging tanyag,nagliwanang, nagkaporma’t nagpahayag

Saloobi’t isipan sa ikaaayos at ikagaganda ng kapaligiran.

 

Mula nooy kinilala na na may mainam na halaga

Sa lipunan, sa syensiya, sa komersyo’t iba’t-iba pa.

Babae, ina, binibini,madrasta, tita o lola, pwede ring yaya

Mga katawagang pinaninindigan ng lahi ni Eva.

 

Sa kanyang pakikisangko’t pagkasangkot sa mundo ni Adam

Mabubuti at masalimuot karanasang idinulot

Lumatay sa katauhanang mga pighati’t lihim na ikinubli

Tiniis, tinago,inisip ang mabuti alang-alang sa nakararami.

 

Gayunpama’y tumindig at patuloy sa pag-ibig

Sa kapatid, sa asawa,sa pamilya’t iniibig

Babae ngang naturingan mayumi at may kahinaan

Subalit sa tatag sa unos at sigwa, tunay nga pong INA.

 

Kaya’t mga adan panawagan ko’y, halina’t kumilala

Sa katuwang na mismong Diyos, ang nagpahalaga

Bigyang pugay,mahalin, alalahanin at karinyuhin,

Si Inang na nagluwal sa iyo at sa akin.

 

May 9, 2014 (sa Dakilang Araw ng mga INA)

Mga Komento

  1. Ang gandang basahin... nagpapahayag ng pagkilala at malaking pagibig sa magulang lalo na sa ating mga nanay . Thanks for sharing.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SAINT JOHN MARIE VIANNEY

Abandon Not Your Ideals

Called, Gifted and Sent